Ang blog na ito ay nilikha para sa mga Pilipinong nais matuto ng lenguaheng Ingles. Lahat po ng paliwanag tungkol sa English grammar at iba pang aspeto ng lenguaheng Ingles ay nakasulat sa Tag-Lish (Tagalog-English). Ito ay upang lubos na maunawaan ng aming mga kababayang Pilipino. Alam po namin na ang mga Pilipino ay may kakayanahan na makaintindi ng mga instruction sa Ingles, subalit hindi lahat ng mga Pilipino ay nauunawaan ito ng lubos. Lalo na ang mga slow learners at mga Pilipinong hindi nagkaroon ng pagkakataon na sanayin ang kanilang English communication skills. Kaya ipapaliwanag namin ang English sa sarili naming wika.
Nais ko rin pong linawin na basic lamang ang aming ibabahagi. Malaya po kayong magsaliksik sa ating blog upang mahanap ang kasagutan sa inyong mga tanong upang lubos nyong maintindihan ang English Language. Pwede po kayong magtanong at magkumento tungkol sa mga artikulong naisulat dito. Nais ko pong ipaalam na ang mga English modules at materials na ginamit sa blog na ito ay hiniram o ginamit mula sa mga English proficiency websites.